10 Biggest Trades in PBA History

Narito ang sampo sa mga mga naglalakihang Trades sa kasaysayan ng PBA. Terrence Romeo to San Miguel (2019) Top 10 sa ating list ay ang trade na naganap ngayon lang taon sa pagitan ng TNT katropa at San Miguel beer. Ito po ay nang ipadala ng TNT ang 3 time scoring champion na si Terrence Romeo sa San Miguel, kapalit nila Brian Heruela, David Semerad at 2021 first-round pick. marami ang nagulat dahil nga sa inakala ng marami na si Terrence na ang susunod na magiging mukha ng franchise at hahalili sa nagkaka edad nang si Jayson Castro. Lingid sa kaalaman ng marami ay may tension palang namamagitan sa panig ni Romeo at ng ilang mga ka-teammates niya sa TNT. Nagresulta ito sa pagkakatrade nya sa corporate rival nitong San Miguel. Stanley Pringle to Ginebra (2019) 9. Sunod ay ang pagkakatrade ng 2014 First overall pick at rookie of the year na si Stanley Pringle sa Ginebra. Ang pagkakatrade ng 2018 scoring champion mula sa Northport ay mistulang palaisipan dahil nga sa running for MVP ito at behind lamang sa eventual winner na si June mar Fajardo. Katumbas naman ng trade na ito ay nakuha ng Batang Pier sina Jervy Cruz, Sol Mercado at Kevin Ferrer. Mula sa pagiging go-to-guy ay bahagyang narelagate as role player itong si Pringle dahil nga sa loaded din nmn ng scorers ang Gin Kings at sa klase ng sistema ni coach Tim ay hindi sila nagdedepende sa mga one on one plays kung saan sanay noon si Stanley na binubuhat ang kanyang team. Allan Caidic to Ginebra (1999) 8. pang walo naman ay noong late 90s. Ito ay nang mapunta ang nagkaka edad nang si Triggerman Allan Caidic sa Ginebra Mula sa San Miguel, at ginawa pa nilang itong assistant playing coach. Naging big deal ito dahil nga sa ikinasama ng loob ito ng dating head coach ng Ginebra na si Robert Jaworksi dahil umano sa hindi man lang siya Kinunsulta bago ang naturang trade. kasalukuyan pong naka leave si Jawo matapos nga nitong manalo bilang senador noong 1998. Dahil dito ang bahagyang nagkalamat ang ugnayan ng Ginebra management at nang bagong halal na senador. Nelson Asaytono-Ato Agustin (1996) 7. Dumako naman tayo sa taong 1996. Dito naman naganap ang palitan ng players sa pagitan ng Swift or Sunkist at ng SanMiguel. Ito ay nang itrade ng San miguel ang 1992 Most valuable Player na si Ato Agustin papuntang Swift kapalit ng 2 time Best Player of the Conference na si Nelson Asaytono. Ito trivia lang ha, sina Ato Agustin po at Nelson Asaytono ang mahigpit na magkaribal noong 1992 sa pagka MVP kung saan nga napanalunan ni Agustin. Kenneth Duremdes-future picks (2003) 6. Sa ikaanim na pwesto naman ay isa sa pinaka nakakagulat na trade na nangyare, ilang minuto lamang ang nakalipas matapos ang 2003 PBA draft. Ito naman ay ng itrade ng Alaska ang kanilang franchise player na si Kenneth Duremdes papuntang Sta Lucia kapalit ang ilang first round picks kung saan isa nga dito ay naging si Brandon Cablay. Naging kabig bigla ito dahil nga sa kakapirma lang ni Duremdes ng 8-year contract sa alaska noong 2001 na nagkakahalaga ng 48 million pesos at sa 2008 pa sana magtatapos. Isa ito sa may pinaka mahaba at pinaka malaking kontrata sa kasaysayan ng liga. Christian Standhardinger to San Miguel Beer (2017) 5. Top 5 naman sa ating listahan ay ang nangyaring trade 2 years ago lang. Ito marahil ang isa sa pinaka kontrobersyal at pinagusapang trade sa lahat. Nang matrade ang 1st overall pick ng KIA papunta sa powerhouse team na San miguel, kapalit ang mga benchwarmers na sina Ronald Tubid, JayR Reyes at Rashawn McCarthy. Madaming fans ang umalma at maging ang mga ibat ibang teams ay nagpahayag din ng kanilang pagkadismaya. Nagresulta naman ito sa pagreresign ng nooy PBA commissioner na si Chito Narvasa. James Yap-Paul Lee (2016) 4. 3 years ago naman ang kinokonsidera nang marami na the face of the league at Purefoods star player na si james Yap ay itenerade ng kanyang team papuntang Rain or Shine, kapalit naman ng combo guard na si Paul Lee. Maraming fans din ang naglipatan nang ang 2 time MVP ay mapunta sa nga ibang team, 34 years old si James noon habang 27 naman Ang angas ng tondo na si Lee. Marlou Aquino-Jun Limpot (2000) 3. Trades naman sa pagitan ng mga bigman ay naganap noong 2000 nang ang 1996 first pick overall na si Marlou Aquino ay ipinagpalit ng kanyang team na ginebra sa Sta Lucia kapalit ang 1993 Rookie of Year na si Jun Limpot Maraming fans ng Ginebra ang nabigla dahil nga sa naging pundasyon na ng kanilang team ang bigman na si marlou na noong 1996 ay naging defensive player of the year. Rookie of the year at best player of the confence pa. 2. Jerry Codinera-Andy Seigle (1999) 2nd to the last sa ating list ay ang 1994 Defensive player of the year at 2 time Sportsmanship awardee na si Jerry Codiñera, Ito ay nang itrade siya ng purefoods para sa mas batang si Andy Seigle ng Mobiline na 1997 1st pick overall naman ng liga. Sa trade na ito ay nag tapos ang 11 year na tandem at partneship nila nang 4 time MVP na si alvin patrimonio. Ito trivia lang. si Jerry Codiñera po ang kauna unang PBA player na nanalo ng BPC mula nang magkaroon ng ganitong award sa PBA. dati po kasi ay Most Valuable Player lang ang inaaward sa mga mahuhusay na local na manlalaro. Nanguna naman sa ating listahan ay ang kapwa multiple MVP awardee at itinuturing na pinaka mahuhusay na mga centro noong panahon nila. Ito ay dahil sa dalawang beses sila na involve sa one on one trade. Ang tinutukoy ko po ay walang iba kundi ang 4 time MVP at 19 time PBA champion na si Ramon Fernandez at ang 2 time Most valuable player at miyembro ng dalwang grandslam ng Crispa si Abet Guidaben. Unang trade nila ay noong 1985 nang ipadala si MOn Fernadez nang kanyang team na manila beer papuntang Tanduay kapalit si Abet Guidaben. naulit naman ang trade sa pagitan padin ng dalawang players noong 1988 nang ibigay ng Purefoods ang playing coach nilang si Fernandez papuntang San Miguel kapalit naman ng Centro nilang si Abet Guidaben and the rest is history. So yan po ang mga pinaka malalaking trades na nangyari sa kasaysayan ng Liga. may ilang trades nga po na katanggap tangap at may ilan naman na balot ng kontrobersiya. Kayo anong malaking PBA trades ang naaala niyo?

Mark Sotelo

8/27/20201 min read

PBA tradesPBA trades