PBA Throwback games now available on PH Sports Bureau YouTube channel.
Ang 1996 Grandslam Team ng Alaska, Nasaan na sila Ngayon?
Itinuruting sila na Pinaka mahusay ng PBA team noong 90s, at Binansagang Chicago Bulls ng Pilipinas. Ang isa sa pinaka-matagumpay na koponan sa kasaysayay ng liga. Sila rin ang naging pamantayan noon ng mga basketball teams at pilit ginagaya ang paraan ng kanilang paglalaro! Sila po ang 1996 Grandslam team ng ALASKA MILKMEN, samahan nyo po akong balikan at kamustahin ang mga dati nilang manlalaro, nasaan na kaya sila at ano na ang kanilang mga buhay makalipas ang mahigit dalawampung taon? Pero kung bago ka palang sa aking channel ay wag kalimutang mag subscribe dahil marami pa tayong PBA throwback segment na ialalas. Una nating kakamustahan ay si Merwin Castelo - ang 1994 6th pick overall ng Alaska ay maasahan noon pagdating sa depensa. apat na taon din itong naging bahagi ng koponan hanggang sa ma-trade papuntang Mobiline noong 1998 at sa Ginebra naman noong 1999. After nyang magretiro sa basketball ay naging abala naman ito sa pag cocoach at pagtuturo sa mga kabataan ng basketball sa pamamagitan ng mga basketball clinics. Gilbert Jun Reyes - Ang ateneo star point guard ay unang dumating sa PBA noong 1990 nang ma draft siya ng Pepsi bago napunta sa Alaska noong 1992, after lang ng grandslam ay na itrade naman ito papuntang Sta lucia at nagretiro naman noong 2002. ang kahaliling guwardiya ni Johnny Abarrientos at nakababatang kapatid ni coach Chot Reyes ay naninirahan na po ngayon sa California USA kasama ang kanyang pamilya kung saan siya ay nagtatrabaho bilang isang Remote Inpatient Coder. Sunod naman ay ang dating star center ng De la salle green archers at round 1 pick ng Alaska noong 1993 PBA draft si Dickie Backmann. Opo siya po ang kasalukuyang Team Manager ng Alaska, ito ang kaisa-isang team na kanyang pinaglaruan sa PBA at nang magretiro ay naging bahagi muna ito ng coaching staff ng team bago naman nahirang na kanilang team manager. Bukod jan ay siya din ang tumatayong governor ng alaska sa PBA board. Next ay si Cris Bolado, 1994 nang una siyang maglaro sa Alaska at tumagal ito ng apat na season bago naman siya na trade papuntang Purefoods, Binansagan itong lucky bolado dahil nga ang lahat ng teams na nililipatan nito ang nagkakampeon. 2003 nang magretiro ito at pumasok sa pagnenegosyo. Habang naninirahan naman sa bansang Cambodia ay naaksidente ito na naging sanhi ng kanyang pagkamatay. Isang pang reliable big man na alaska noon ay si Kevin Ramas. 1992 nang pumasok ito sa liga nang ma draft ng Purefoods at makailang beses nagpalipat lipat ng team bago tuluyang napunta sa alaska na kanya namang huling pinaglaruan. Naninirahan ngayon si Kevin sa Quezon City kasama ang kanyang pamilya kung saan nagtatrabaho siya sa isang pribadong kumpanya. 1991 naman kunin ng team ang Cebu sniper na si ROEHL GOMEZ para maging backup ng Bago nlang player na si Jojo Lastimosa. Mahusay na role player ito at tanging sa team lamang na ito siya naglaro hanggang sa magretiro. After ng retirement ay naging abala ito sa pagcocoach kung saan isa pa nga si June Mar Fajardo sa kanyang mga nahawakan. Ito kaya naaalala pa ng mga fans ng Alaska, Si Derreck Hamilton, una muna itong naglaro para sa pepsi nong early 90s bago kinuha ng alaska, nga lang ay nagpositibo ito sa illegal substance kaya naman na ban sa liga at maagang pinalitan ng resident import ng team na si Sean Chamber. After po ng PBA ay naglaro pa ito sa ilang liga bago naman itinuon ang oras sa pagging trainer ng mga college basketball teams. At siympre hindi to pwedng mawala, si mr 100% percent Sean Chambers, nakailang beses na itong nagpabalik balik na import ng alaska at sa tuwing maglalaro ito ay kampeonato ang kanyang hatid. Isa din ito sa mga paborito kong imports sa lahat. huli itong naglaro noong 2001 at matapos ng kanyang pagreretiro ay naging principal at dean sa isang iskwelahan sa america, abala din siya sa pag rerecruit ng mga imports para sa alaska at mag huhubog ng mga basketball teams sa kanilang paaralan. Giovanni Pineda. ang producto ng Adamson University ay pinili ng Team noong 1995 PBA draft bilang 8th pick overall. saglit lang itong naglaro para sa team at sa liga, bago maagang nagretiro at nagtrabaho sa abroad. Ilang taon din itong naging OFW at sa ngayon naman ay naninirahan nang muli sa ating bansa. Edward Poch Juinio - Ang 6'5" center nang alaska na 5th pick overall nila noong 1994 ang isa sa mga susi kung bakit effective ang triangle system ni Coach tim cone, Naoong taong nsungkit nila ang grandslam ay nahirang pa itong most improved player. 2008 nang ito ay magretiro at manirahan ng ilang taon sa amerika bago naman pinasok ang mundo ng pagcocoach, sa ngayon po ay miyembro ito ng coaching staff ng men's basketball team ng University of the Philippines. Sunod na ating kakamustahin ay ang 1994 most improved player at best two-way player ng alaska noon na si Bong Hawkins. Isa sa pinaka importanteng miyembro ng team ito at nahirang pa ngang best player of the conference noong 1996. isa din siya sa mga mga retired jersey ng koponan. 2006 nang ito ay magretiro at agad naging bahagi ng coaching staff ni nuoy coach Tim cone. Bukod sa aktibo iot sa paglalaro para sa PBA legends foundation ay naging assitant coach din siya ng UP basketball team. Ang team captain naman ng alaska at maituturing na leader ng koponan, Si Jojo Lastimosa. tinagurian siyang Mr Clutch at 4th quarter man dahil kpg nasa gitgitan na ang laban ay siya ang kanilang pinupuntahan. 1991 na maitrade ito papaunta ng alaska kung saan ibinigay niya ang kanilang kauna-unahang kampeonato. sa tulong ni jolas ay nakasungkit ng sampung kampeonato ang Alaska. Nagretiro ito noong 2002, at ilang taon din naging asst coach ni Tim Cone. Bukod jan ay nag coach din si Jolas, sa UAAP, MPBL at sa PBA. Sa ngayon po ay siya ang Team manager ng Talk 'N Text. Pang huli naman sa ating listahan ay ang 1996 MOst Valuable player na si The Flying A, Johnny Abarrientos, Marahil si Johnny na ang matatawag na the missing piece ng koponan at nang dumating nya siya noong 1993 bilang 3rd pick overall ng Alaska ay mnagiba na ang direksyon ng team na ito. Nga lang naitrade ito noong 2001 at bigo ang koponan na makuha syang muli upang sa team na ito na maretiro. After nang kanyang basketball career ay kinuha naman siayng asst coach ng Ginebra bago naman napunta sa koponan ng Purefoods kung saan mag iisang dekada na siya nilang assist coach.
Mark Sotelo
7/1/20211 min read