Ang 6 GOAT Imports ng PBA

Sa mahigit apat na dekada nang kasaysayan ng PBA ay may hindi na mabilang na imports ang naglaro, nagpahanga at gumawa ng marka sa kauna-unahang professional basketball league sa asia. ngunit may anim na pangalan ang namumukud tangi, at nagingibababaw sa kanila. Unang una ay ang pitong beses nang nahirang na PBA Best Import na si Bobby Parks. ang ka batch nila Jordan at Olajuwon sa 1984 NBA draft ay Mahigit isang dekada pong nagpabalik-balik na import sa PBA, 40 points ang average nito kada laro pangalawa sa all-time total career points sa lahat ng mga imports, sa likod lamang ni Norman Black. Speaking of Norman Black, ang 65 years old import turned coach po na si Black ay dalawang beses namang nanalo ng best import award, kaakibat ang dalawang kampeonato. Siya po ang kaisa-isang PBA import na miyembro ng 10 thousand points club. at number 1 sa total career points sa mga imports. Bukod sa mahusay na manlalaro ay naging matagumpay din po ang naging coaching career nito sa ating bansa. Ang nagmamay ari ng pinaka maraming puntos na nagawa sa laban sa kasaysayan ng PBA at 1 time best import awardee na si Tonny Harris ay hindi rin pwedeng mawala sa ating listahan. katunayan, sya na marahil ang pinaka impressive na import sa kasaysayan ng liga noong sa kanyang kauna-unahang laro pa lang sa PBA ay parang bagyo itong nanalasa at agad humagupit ng 87 points (September 22, 1992) kaya naman binagsagan itong The Hurricane. Ang binansagang "The Black Superman" marahil ang pinaka explosive at pinaka pure scorer sa kanilang lahat. katunayan. pang anim siya sa total career points at ikatlo sa most 3 points made sa lahat ng mga imports. Baon ni Bates ang dalawang best import award at tatlong kampeonato. Kung kampeonato lang ang pag-uusapan ay walang tatalo sa resident import ng Alaska na si Sean Chambers. bagamat isang beses lang siyang nagawaran ng Best Import award ay pitong beses naman niyang nadala sa kampeonato ang Alaska. Ikatlo po si Chambers sa all-time imports career scoring leaders, sa likod lang nila Bobby Parks at Norman Black. At ito trivia lang, si Sean po ang kauna-unahan at kaisa-isang import sa PBA na iniretire ang jersey. Pang huli naman sa ating listahan ay si Justin Brownlee. 3x PBA Best Import Awardee, 6x PBA champion, Ikalima sa all-time scoring leaders among imports at siya number 1 sa total career 3-point made sa lahat nang naging import. Bukod jan, siya rin po ang kauna-unahang PBA import na naging Naturalized player natin. Kaya naman marami ang nagsasabi na siya na daw ang GOAT sa lahat ng mga naging import sa PBA. Kayo mga kabasketball, sinong PBA import pa ang sa tingin mo ay dapat mapasama sa ating listahan?

Mark Sotelo

11/28/20241 min read

PBA goat importsPBA goat imports