PBA Throwback games now available on PH Sports Bureau YouTube channel.
Ang 7 Higante na nakaharap ng ating RP Basketball team
Matandang kasabihan na nga sa mundo ng basketball na lamang ang matangkad at hindi naituturo ang height. Kaya naman ngayon ay ating pag-uusapan ang pito sa mga higante at dambuhalang manlalaro na nakasagupa na ng ating pampansang koponan sa kasaysayan ng ating paglalaro sa international basketball tournament. Sa narito po sila. 1. Una ay ang 7'8' na manlalaro ng Japan na si Yasutama Okayama na tinatawag ding "Chibi". Naging rookie of the year po ito, MVP at scoring leader sa Japanese Basketball League at nooy itinuturing na pinaka matangkad na manlalaro sa asia. Siya rin ang kauna-unahang Asian player na hindi po galing america na nadraft sa NBA noong taong 1981. 1947 noong may unang hapon na na draft sa NBA si 7'8" pero ito naman po ay ipinanganak at tubong america, kumpara kay Chibi. Sinasabing ilan sa mga pangtapat natin dito sa kanya noong mga panahon na ito ay sina Romulo mamaril at ang yumaong si Bonnie de Jesus. At kita niyo naman kung gaano ito kalaki habang binabantayan ni Ricky Relosa. 2. Kung wala siyang ka height sa ating bansa ay may kalalagyan naman siya kay Mu Tie-Zhu na 7'6" player ng china. nakaharap ito ng ating pambansang koponan sa 1977 ABC Championship kung saan nilampaso tayo. sa tulong ni Mu ay sampung beses niyang napagkampeon ang China sa ABC Tournament na ngayon ay tinatawag nang FIBA Asia Cup, ang torneyo na dating pinaghaharian ng Pilipinas. Minsan po itong umiskor ng 80 points at nahirang pang Most outstanding basketball player sa kanilang bansa. nagretiro ito taong 1987 at sumakabilang buhay naman noong 2008. 3. 1978 po nang magulantang ang ating RP team sa FIBA World Championship nang makita nila ang manlalaro ng Russia na si Vladimir Tkachenko. Sa taas na 7'3 ay parang inilalagay na lamang nito ang bola sa nguso ng ring. Kaya naman walang binatbat ang ating mga panentro nnong na sina Padim israel at Joy carpio na isang 6'3 at 6'4 la mang. 2 time olympic medalist, may tatlong FIBA World cup medals at noong 2015 pa nga ay naisama sa FIBA hall of fame. 4. Taong 1990 naman po nang halos ay mabali ang leeg ng ating mga manlalaro sa kakatingala sa 7'9 player ng North Korea na si Ri Myung Hun na nooy pinaka matangkad na basketball player sa buong mundo. At sa tulong niya ay nadala niya ang korea sa kampeonato ng 1990 Asian games, kung saan tayo naman ang pumangalawa. Ilan sa mga hindi malilimutang eksena ay kung paano siyang pagtulungan sa depensa ng ating mga manlalaro. 5. taong 2002 naman sa Busan Asian games nang makabangga natin ang Great Wall of China na si Yao Ming. Katatapos lang nitong kumubra ng MVP award at Championship sa Chinese basketball league at naging pinaka sikat na asian player dahil nga sa siya ang NBA 1st overall pick. Bagamat sinubukan ng ating team na daanin sa bilis ang pagatake kay yao ming ay hindi parin tayo umubra sa tangkad nitong 7'6. Halos isang dekada rin itong naglaro sa NBA bago pwersadong nagretiro dahil sa injury. 6. Ito malamang kilalang kilala niyo na. Si Hamed Haddadi. Makailang beses na din nating nakaharap ang 7'2 Center ng Iran at nanatiling isa sa mga pinaghahandaan at pinangingilagang manlalaro pagdating sa Asia. 7. At kailan nga lang ay nakasagupa po ng ating gilas pilipinas ang NBA player at tubong Serbia na si Boban Marjanović na may height na 7'4' at may wingspan na 7'10. Kung sa NBA nga nangmamama na ito, eh pano pa kayo kung sa atin. So sila po ang pitong literal na naging malaking sagabal sa kampanya ng ating national team.
Mark Sotelo
2/19/20211 min read