Ang mga Hindi Isinama sa 40 Greatest PBA Players

2015 nang maganap ang 40th anniversary ng PBA at isa sa mga highlights ng event na ito ayang paghirang sa labin-limang manlalaro na isasama sa nauna nang 25 greatest PBA players list. Bumuo po ang liga ng 7-man Selection committee na sasala, aaral at pipili kung sino-sino ang karapat-dapat na idagdag. Kabilang po sa kumite ang nooy PBA chairman Patrick Gregorio, vice chairman Robert Non, ang mga taga media na sina Quinito Henson at ang yumaong Barry Pascua, kasama din sina Congressman Elpidio Barzaga, chairman ng GAB. Former Alaska board governor Joaqui Trillo at Inquirer sports editor Teddyvic Melendres. Isinama rin sa grupo nang mamimili ang mga dating players at pulitikong sina Freddie Webb at Sonny Jaworski. Matapos makapamili at inanunsyo ang labin-limang manlalaro na kanilang napili ay nag umpisa na ngang ulanin ng batikos at puna mula sa basketball community. Habang automatic shoe in na ang mga bagong nanalong league MVPs ay kapansin-pansin namang wala sa listahan ang kagaya nila Abe King, Bong Hawkins, Racela, Cariaso, Espino, Villamin, Tuadles at nelson Asaytono na pang lima sa all-time scoring leaders ng liga. Katakot-takot na puna ang inabot ng resulta ng pilian kung saan mas nauna padaw napili ang mga kasalukuyang naglalarong manlalaro kesa sa mga matagal nang retirado at maituturing nang legends. Ilan sa mga active pang players noong ay sina Mark Pingris at Jayson Castro. Bukod jan ay Kasama din sa 15 sina Kerby Raymundo, Marlou Aquino at maging si Chito Loyzaga. Dahil sa pangyayaring ito, ay sinasabing lalong tumamlay at nawalan ng gana ang maraming tagasubaybay ng liga at mariing kinukwestuhan ang naging basehan ng selection committee sa paraan ng kanilang pagpili. habang ay iba naman ay sinasabing karapat dapat naman ang mga napili at dapat na irespecto ang naging desisyon ng kumite. Kayo mga kabasketball, ano ang naging opinyon niyo dito sa nangyari pilian? Tama lamang ba o talagang isang malaking palaisipan?

Mark Sotelo

9/30/20211 min read