Noong Nasapok ni Capacio si Hawkins

Habang nasa kasagsagan ng Game 1 ng All-Filipino Conference Finals ang mga koponan ng Alaska Milkmen at ng Purefoods Hotdogs ay naganap ang isa sa mga hindi malilimutang tagpo. Ito po ay noong bigla na lamang sinuntok ng Mr. No Nonsense Glenn Capacio ang forward ng Alaska na si Bong Hawkins. Kagaya po ng inaasahan, umaatikabo ang pagtatagpo ng dalawa sa pinaka mainit na koponan noong mga panahon na iyon. Ikatlong paghaharap lamang po ito nang dalawang sa finals. at kauna-unahan naman para sa All-Filipino Cup. Kapwa nagsasagutan ng puntos ang magkabilang teams at tila walang gustong magpalamang. Nagpatuloy ang palitan ng kalamangan ng dalawang koponan hanggang sa unit unti na ngang nakokontrol ng maggagatas ang laban at unti unti naring lumalaki ang kanilang kalamangan. Nga lang ay sa pagpasok ng 3 quarter ay may isang insedente kung saan makikitang habang nag bibigay ng pick si Hawkins ay tumama naman balikat niya sa nguso ni Capacio na nagpatalsik sa kanya, dahilan upang mag retaliate ito ng isang suntok sa mukha na agad na ininda ni The Hawk na nagpabagsak sa kanya sa sahig. Kitang kita po ito ng mga referee at agad na pinatawan ng flagrant foul si capacio dahilan upang maagang mapaalis sa laban. BUkod po jan ay pinagmulta rin ito ng limang libong piso at nasuspende pa ng isang laro. Kilala po si Glenn Capacio na isang hard nose depender at ang pagkawala niya ay malaking dagok para sa naghahabol na Purefoods Hotdogs. Matagal pong pinag usapan ang insidenteng ito at hanggang sa ngayon nga po ay naalala pa ng iilan. lalo na ng mga tunay na nakapanood at nakasaksi nito. Natapos po ang serye na isa lamang ang ipinanalo ng mga bataan ni Coach Chot Reyes at sa panig naman ng Alaska ay napagharian nila ang All-Filipino Conference sa kauna unahang pagkakataon sa kasaysayan ng kanilang prangkisa.

10/7/20241 min read

Glenn Capacio vs Bong HawkinsGlenn Capacio vs Bong Hawkins