Noong Umalis na ang Alaska sa PBA

Labing apat na kampeonato, mahigit tatlumpung finals appearance sa loob ng mahigit tatlong dekada. Isa rin sila sa apat lamang na koponan na nakasungkit ng pambihirang grandslam. Sila po ang prangkisa ng Alaska Milk Corporation. Muli nating balikan ang istorya ng isa sa most celebrated at winningest team in PBA history. At mahigit isang taon mula nang lisanin nila ang PBA ay nararapat lamang na ating muling sariwain ang kwento ng kanilang mga tagumpay, kabiguan, mga laban na tumatak na sa puso't isipan di lamang ng kanilang mga taga hanga kundi ng lahat ng mga naging taga-subaybay ng kinalakihan nating liga. Taong 1986 po, habang nag sstrugle ang ibang mga koponan dala ng krisis pang ekonomiya ay dumating ang isang bagong prangkisa at tinawag silang Alaska Milkmen. Itoy kinabibilangan ng ilang piling beterano na sina Ricky Relosa, Marte Saldana, Arnie Tuadles at Rudy Dsitrito. Nakuha rin nila as top overall pick ang mahusay na forward na si Rey Cuenco. Ang team ay pinamunuan ni coach Tony Vasquez at Cesar Jota. Sa taong ito ay naglaro din bilang import para sa kanila si Norman Black. Nang kasunod na taon naman ay nakuha nila ang serbisyo ng 3x PBA MVP na si Bogs Adornado at ang Bicolano Superman na si Yoyoy Villamin. Dito na nga nagumpisang mabuo ang tinaguriang Bruse Brothers ng PBA. Sa unang apat na taon ng Alaska ay nagtala ito ng tatlong finals appearance nga lang ay tatlong beses din silang hinirang na runner-up. Bukod jan ay apat na third place finish din po ang naiuwi nila. Matapos magsilbing head coach ng koponan sina Turo Valenzona at Bogs adornado ay humalili naman ang isang Amerikanong coach, na nagngangalang Tim Cone na kabilang sa mga game anaylyst ng PBA. Taong 1989 nang makuha ng team sina Paul Alvarez, Elmer Cabahug at Ric-ric Marata mula sa PBA draft at ang 16 PBA champion na si Abet Guidaben. 1989 din nang dumating ang magiging future resident import nilang si Sean Chambers. Na inagaw ang atensyon ng liga matapos talunin si Billy Ray Bates sa isang dunk competition nang nakalipas na taon. Dito na nga unti-unting nabubuo ang mga piyesa ng Maggagatas. Pero kagaya ng mga nagdaang taon. tanging runner-up finish lamang ang pinaka malayong nilang nararating. Ngunit pag pasok ng 1991, isang trade ang nagpabago ng direction ng koponan. Ibinigay ng Alaska ang kanilang sweet shooting guard na si Elmer Cabahug, kapalit ang Nooy team captain ng Purefoods na si Jojo Lastimosa. Kasabay nito ang pag draft sa 2x NCAA MVP na si Eugene Quilban upang maging kanilang team orcherstrator, nasungkit din nila ang bigman ng Ateneo na si Alex Araneta bilang Top overall pick nang kaparehas na taon. at sa muling pagbabalik import ni Chambers ay tuluyan nang inabot ng Milkmen ang kampeonato ng 1991 PBA third Conference. Kauna-unahan sa kasaysayan ng kanilang bagitong prangkisa. Ang pagpasok ng taong 1993 tila ang naging hudyat ng pag-uumpisa ng Alaska Dynasty. Nakuha bilang 1st overall pick ang star point guard ng FEU na si Johnny Abarrientos at naitrade si Alavarez kapalit ang forward na si Bong Hawkins. bago naman nakuha ang centrong si Poch Juinio nang kasunod na taon. Ito na ang umpisa ng pamamayagpag ng Alaska Milkmen. Kanilang pinagharian ang governor's cup ng magkasunod na taon, kasama ang balik import na si Chambers at ang rookie of the year nilang si Jeffrey Cariaso. Dinomina ng Alaska ang 90s kung saan siyam na kampeonato kabilang ang 1996 grandslam ang kanilang nakamit. Dito ay kasama na nila ang 1998 PBA most valuable player na si Kenneth Duremdes. Itinuring silang the hottest team at umapaw ang paghanga sa kanila dahil sa taglay nilang teamwork at team camaraderie. Naging barometer din sila ng mga teams ng liga. At ang team to beat Ika nga. Pero kagaya ng kasabihan na lahat ng bagay ay may hangganan. Pagpasok ng taong 2000 ay unit-unti nang nagpalit ng mga piyesa ang prangkisa at sinimulan ang pag buo ng makabagong Alaska. Nakailang palit ng manlalaro at maging ang lumang sistema ay tinangka naring repasuhin. . Nga lang ay sa mga sumunod na dalawang dekada ay apat na beses na lamang nilang muling natikman ang kampeonato. Kasabay pa nito ang paglisan ng kanilang head coach na si Tim Cone. Makailang ulit pa natin nakitang lumalaban ang koponan sa tulong ng mga bago nilang manlalaro na isinasabuhay ang kanilang mantra na We Not Me. sa kabila nang mga naglalakasan nang koponan. At sa nagdaang huling siyam na taon ay tanging runner-up finish na lamang pinaka malayo nilang naaabot. Subalit sa kabila nito. nananatili ang respeto ng mga tao sa koponan, dahil sa pagiging independiyente nito, sa pag sunod sa team salary cap at integredad sa kabila ng napaka higpit na kompetisyon at mga sakripisyo sa ngalan ng liga at ng bayan. Isa rin ang Alaska sa may pinaka maraming solid at loyal fans, na ilang dekada narin nilang kasa-kasama. At sino bang makakalimot nang halos ay isinuko nila ang ikalawa sana nilang grandslam noong taong 1998 upang unahin ang pangangailangan ng bayan. At kahit nga hindi na natin nasisilayan ang Alaska sa PBA, ay nananatili parin ang kanilang mga iniwang ala-ala, mula noon hanggang ngayon! Good enough never is. The PBA will never be the same. Kaisa niyo po ang PH Sports Bureau sa pagbibigay pugay sa natatanging koponan na ito! Dahil wala paring tatalo sa Alaska!

Mark Sotelo

2/3/20211 min read